Saturday, November 14, 2009

Mga kuha sa freindster na nagpapakita ng kanilang mga gamit sa bahay.

Sofa with foam

Wooden sofa no foam


Cabinet with betamax na stock

Bed (parang sa motel a)


Glass Iskaparate

Eto kumpleto na ...me sampayan pa sa kisame

Baket kaya sa Pinoy movies or TV laging me character na nahohospital?

Baket kaya sa Pinoy movies or TV laging me character na nahohospital? Minsan nga halos lahat na ng characters e na hohospital e. Me inaatake sa puso, me naaaksidente, me nabaril, me cancer, me nag suicide..

Sir ano ang ulam niyo?

Meron akong napanood sa TV na isang opisyal ng Dept of Health na ini-interview tungkol saLepto. Napuna ko lang yung biniling ulam ni sir sa likod niya na naka=plastic. Ano kaya ang ulam ni Sir? 

Tuesday, November 10, 2009

Worst Political Ad: Opera singer or Folk dancer si Mayor?


Nakita ko ito sa isang tabloid na nagpapakita ng mga nagawa daw ng isang walang kapanapanalong Presidentable. Bida dito si Mayor na nasa larawan na di ko malaman kung kakanta ng Opera, o magsasayaw ng Folk Dance. Para ding siyang me hinagis na Melon sa kariton. Ay naku..ambot sa imo.

Friday, November 6, 2009

Another List of Most Recommended Freinds to Add

Andeng : Eto ang aming kusina, katatapos kulang magsangag.

Tekya : Sana add niyo na ako para me magpapakain naman sa aking freinds.

Ulevia : Ser, tapos kuna pong i-washing ang kotsi nyu.Pwidi naba ako mag pose dito?

Mam Selda : O ano seksi ko diba? Tsaka 21" yata ang TV ko..

Menday : Thanks God It' s Sunday. It's my diy-off. And this is the new sign of peace.."closed fingers". Mas pisful yan. And by the wey, I'm drinking Sparkle for only 6 pesos a bottle.

SUPER HEROES :San nila kinuha ang customes nila?

Paano kaya nagbabago ang customes ng superheroes pag sumisigaw lang sila? Ano un me dala lagi sila na customes na pinapalit nila pag umusok na sila? San nila nilalagay yung pinagpalitan ng damit nila? Nilalabhan din ba ang mga customes nila? Pag nilalabhan san nila sinasampay? Hinde ba nakikita ng kapitbahay nila ang customes nila pag nakasampay? Sino ang tumahi ng cusomtes nila? Sinukat ba muna nila ung customes nila baka di kasya sa kanila bago sila naging super heroes?Tanga ba sila lahat talaga at nagsusuot muna ng brief bago ang pantalon? Para saan ang tuwalya sa harap ni darna? si Kapten Barbell e bat naka sinturon hinde naman siya naka pantalon? Ang mga babaeng Super heroes ay sadyang bang mahihirap lamang sila at tila wala silang pambili ng kumpletong kasuotan at lagi na lang silang naka bra at panty lang? Ay naku naturingan pa namang mga Super heroes e hindi magsuot ng maayos , ano po?

Saturday, October 31, 2009

Collection of Pics of Political Proclamation Rally

Bayad Ko Rally

Arroyo-Pakyaw 2010

Trapo Rally

Black and white Rally

Mr.and Mrs. Padyak Wedding

Gay Self-Defense Move

Self-defense ng mga Bading...Ayyyy Dakma Karate Move 

Thursday, October 29, 2009

Best Cure For Bald Head

STEPS TO  SOLVE BALD HEAD. 
Step 1 :Magpatubo ng makapal na balbas at bigote tulad na nasa larawan.
 
Step2 : Putulin ang ulo tulad ng nasa larawan.  
Step 3: Baliktarin ang naputol na ulo at ikabit ulit sa leeg.
Step 4 : Drawingan ng kilay,ilong at Bibig ang mukha
upang kapanipaniwalang muli ang mukha. 

Presto.. Solve agad ang problema sa nakakalbong ulo.

Worst Ads: Self Explanatory


PAg nabagsakan ka pa naman ng lagay na yan..ewan ko na lang. Me warning na..falling pa, me look-up na..at not but not the least me arrow pa pataas...kumpleto na yan sa instruction a.

Endangered Species : Camera Film


Dami kong ganito sa bahay. Mga libre na binibigay ng mga Photo shop. Sino me gusto?

Monday, October 26, 2009

Worst Fashion : Magsuot ng T-shirt na me mga nakasulat na ganito in Pilipino


Worst Fashion talaga ang mag-suot ng mga ganitong klaseng T-shirt dahil :

1. Halatang sa talipapa mo lang ito nabili.

2. Ang nakasulat sa T-shirt ay parang mga lyrics ng kanta ng April Boys.

3. Maglalakad ka sa Singalong na may kasama kang BFF mo na katulad ng suot mo na me nakasulat ay karugtong na pangungusap ng T-shirt mo.  

REKLAMADOR : Driver na Magpapagasolina at Malakas ang Putok

Eto ang nakaka-inis sa lahat, nagmamadali ka nang pumasok sa work dahil male-late ka na , tapos yung pot---nang driver ng jeep dadaan pa ng Gasolinahan at magpapa-gas pa muna.Ang malupit pa minsan maglalagay pa ng tubig sa radiator, na parang wala lang, parang wala siyang pasahero. (Ang kuhang litrato ay batay sa tunay na karanasan ni Reklamador.)
 

Eto malupit..pag nasakay ka ng tricycle tapos sa loob natapat ka pa sa kili-kili ng driver na ang lakas ng PUTOK !! Potan---na ang baho..halos himatayin ka na sa lakas ng putok grabe..yung hangin papunta pa sa ilong mo .. Tang--a nio maligo naman kayo,mura lang naman ang Rexonang nasa sachet kuya..
(Ang kuhang litrato ay batay din sa tunay na karanasan ni Reklamador.)
 

Sunday, October 25, 2009

Korektor : Wrong Spelling is Wrong

Ang correct spelling ng Price is with "I" after R. not a Drop of gasoline. Ang correct spelling ng Drop is with "O" after R also not a drop of gasoline.

 Two words ang Repair Shop hindi one word.

  COPIER should be spelled this way, not COPYER. 

Kinorek ni Korektor

Worst Job : Ang gawin kang mascot ng kompanya mo


Ang sabi mo anak sa call center ka nag tatrabaho? 

Saturday, October 24, 2009

REKLAMADO NI REKLAMADOR : Walang ginagawa?


Hirap din ng papasok sa office, uupo ka ng mahigit walong oras wala ka namang gagawin kundi mag update ng blog, gumawa ng walang ka kwentang blog na di mo alam kung me nagbabasa bang iba. At magbasa at tumingin ng ibang blog at magtanong bat kaya ang daming readers nito e.. wala namang kwenta ung blog niya? Tulad nito mag aalas- 5 na naman o…uwian na, Teka maka-ihi nga muna.

Friday, October 23, 2009

Best Q and A : Bakit ba laging me nabubungo na karakter sa mga pinoy movies at teleserye?


http://www.youtube.com/watch?v=3qwZtcoJuws

"Bakit ba sa Pinoy movies at teleserye laging me karakter na nabubunggo? Ang tatanga ba nila at di muna tumingin sa left and right bago tumawid? Tanga tanga..?"

Ewan ko nga sa mga iyan at bakit? Me bangkleta naman at di na lang dun tumakbo at habulin yun ung anak nila or yung asawa nila na nilalayasan sila. At tsaka wala na bang ibang idea kung laging bakit ganun? Pede naman na nasagasaan ng MRT, or nakain ng buwaya or nabagsakan ng eroplano? Nahulog sa imburnal pwede rin.

Best Q and A: Bakit kaya di nakilala ng mga tao ang tunay na katauhan ni Darna?


" Bakit kaya di pa nakikilala si Narda bilang si Darna? Obvious naman na magkamukha sila. Tinitignan ko yung mukha ni Narda , kamukhang kamuka naman ni Darna. Nilagyan lang ng saklay at kunyari pilay di na agad nila namukhaan si Narda? Ano un sasabihin ng tao hinde si Darna yan si Narda e kasi pilay e..di naman pilay si Darna a.." 

E di talaga nila makikilala si Narda bilang si Darna, kasi si Narda e obvious naman na si MArian Rivera yan. Tsaka ang mga tao talaga sa teleserye puro tanga ...tanga tanga hahhahahaha..bwahahahahah !!!

Best Ads By a Kandidato : Gibo

Here's an advertisement posted on Yahoo page by Gibo Teodoro. But did you know that this is not the original concept fot his ad? Below are some of the ideas that are rejected by Gibo.   




Wednesday, October 21, 2009

BEST POSE : Baho...sino umotot?


Baho a..tangna..sino umotot? 

BEST FOOD : Eat these to relieve stress forever

Crispy Balat ng Manok


Mantika Soup na Pinagprituhan ng Balat
( Higupin para mapakinabangan ng benepisyo)
Tip : Isawsaw ang balat sa sarsarap sauce na ini-endorse ni Jimmy Santos