Saturday, November 14, 2009

Mga kuha sa freindster na nagpapakita ng kanilang mga gamit sa bahay.

Sofa with foam

Wooden sofa no foam


Cabinet with betamax na stock

Bed (parang sa motel a)


Glass Iskaparate

Eto kumpleto na ...me sampayan pa sa kisame

Baket kaya sa Pinoy movies or TV laging me character na nahohospital?

Baket kaya sa Pinoy movies or TV laging me character na nahohospital? Minsan nga halos lahat na ng characters e na hohospital e. Me inaatake sa puso, me naaaksidente, me nabaril, me cancer, me nag suicide..

Sir ano ang ulam niyo?

Meron akong napanood sa TV na isang opisyal ng Dept of Health na ini-interview tungkol saLepto. Napuna ko lang yung biniling ulam ni sir sa likod niya na naka=plastic. Ano kaya ang ulam ni Sir? 

Tuesday, November 10, 2009

Worst Political Ad: Opera singer or Folk dancer si Mayor?


Nakita ko ito sa isang tabloid na nagpapakita ng mga nagawa daw ng isang walang kapanapanalong Presidentable. Bida dito si Mayor na nasa larawan na di ko malaman kung kakanta ng Opera, o magsasayaw ng Folk Dance. Para ding siyang me hinagis na Melon sa kariton. Ay naku..ambot sa imo.

Friday, November 6, 2009

Another List of Most Recommended Freinds to Add

Andeng : Eto ang aming kusina, katatapos kulang magsangag.

Tekya : Sana add niyo na ako para me magpapakain naman sa aking freinds.

Ulevia : Ser, tapos kuna pong i-washing ang kotsi nyu.Pwidi naba ako mag pose dito?

Mam Selda : O ano seksi ko diba? Tsaka 21" yata ang TV ko..

Menday : Thanks God It' s Sunday. It's my diy-off. And this is the new sign of peace.."closed fingers". Mas pisful yan. And by the wey, I'm drinking Sparkle for only 6 pesos a bottle.

SUPER HEROES :San nila kinuha ang customes nila?

Paano kaya nagbabago ang customes ng superheroes pag sumisigaw lang sila? Ano un me dala lagi sila na customes na pinapalit nila pag umusok na sila? San nila nilalagay yung pinagpalitan ng damit nila? Nilalabhan din ba ang mga customes nila? Pag nilalabhan san nila sinasampay? Hinde ba nakikita ng kapitbahay nila ang customes nila pag nakasampay? Sino ang tumahi ng cusomtes nila? Sinukat ba muna nila ung customes nila baka di kasya sa kanila bago sila naging super heroes?Tanga ba sila lahat talaga at nagsusuot muna ng brief bago ang pantalon? Para saan ang tuwalya sa harap ni darna? si Kapten Barbell e bat naka sinturon hinde naman siya naka pantalon? Ang mga babaeng Super heroes ay sadyang bang mahihirap lamang sila at tila wala silang pambili ng kumpletong kasuotan at lagi na lang silang naka bra at panty lang? Ay naku naturingan pa namang mga Super heroes e hindi magsuot ng maayos , ano po?